-- Advertisements --
Patay ang apat na katao matapos ang naganap na sagupaan sa Centuries-old na mosque sa Sambhal sa India.
Nangyari ang sagupaan ng mga protesters at kapulisan sa Shahi Jama Masjid na isang federally-protected 16th Century monument.
Dahil sa insidente ay kinansela ang mga pasok sa paaralan para na rin sa kaligtasan ng mga residente.
Itinanggi ng mga kapulisan na gumamit sila ng dahas para palayasin ang mga nagpoprotesta.
Nagbunsod ang kontrobersiya sa Shani Jama Masjid kung saan inaangkin ng mga Hindu na sinira nila ang templo para muling patayuin ng mosque.