-- Advertisements --
Nasa apat katao ang patay sa salpukan ng pampasaherong bus at van sa Maharlika Highway sa Quezon province nitong madaling araw ng Biyernes.
Parehong nagtamo ng matinding pinsala ang bus mula sa P&O Transportation at van sa insidenteng naganap sa bayan ng Lopez.
Dinala naman sa pagamutan ang hindi bababa sa 10 sugatang biktima.
Patuloy pa ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng mga kapulisan sa insidente.