-- Advertisements --
Nag-iwan ng tatlo kataong patay ang pagkasunog ng Manila Pavilion.
Batay sa report ng Manila-City Disaster Risk Reduction Managament Council (CDRRMC), kabilang sa mga nasawi sa sunog ay ang security guard, ilang empleyado at guest ng nasabing 4-star hotel.
Idineklarang dead on arrival sa Manila Doctors Hospital ang apat na biktima.
Sa ngayon hindi pa malinaw kung ano ang naging sanhi ng sunog na sumiklab bandang alas-9:45 kaninang umaga.
Maliban sa mga binawian ng buhay, 14 ang nasugatan.
Ayon kay Johny Yu ng Manila-CDRRMC, may komunikasyon na sa mga rescuer ang mga na-trap sa loob ng hotel.
Una rito nahirapan ang mga rescue team na mapasok ang ika-limang palapag ng nasunog na hotel.