TACLOBAN CITY –Umabot na sa apat katao ang naitalang patay habang 48 naman ang nasugatan dahil sa pananalasa ng bagyong Tisoy sa Eastern Visayas.
Una nito, namatay si Joel Baledio, 38 taong gulang, taga Sitio Laray Brgy. Boroc Ormoc City ng madaganan ito ng punong kahoy habang nagmamaneho ng motorsiklo pauwi sa kanilang bahay dahil sa malakas na hangin.
Ayon naman sa report galing sa Police Regional Office 8, tatlong magkakapatid edad 16, 10 at apat na taong gulang ang namatay sa bahagi ng Brgy. Buenasuerte, Victoria Northern Samar matapos magkaroon ng landslide.
Nadagdagan din ang bilang ng nasugatan kung saan umakyat na ito sa 48; apat dito ang galing sa Samar, 36 sa Northern Samar at 8 naman sa Eastern Samar.
Sa ngayon ay lubog pa rin sa baha ang 14 na barangay sa San Antonio, tatlong barangay ng Lope De Vega at isang barangay sa Laoang, Northern Samar,
Nananatili namang impassable ang Gandara- Matuguinao Road at ang Catarman – Lapinig Road dahil naitalang pagbaha.
Samantala, nadagdagan din bilang ng mga evacuees kung saan umabot na ito ng 35,522.
Pinakamarami ang naitalang evacuees sa Northern Samar kung saan aabot ito ng 32,495 katao habang 5, 174 naman ang lumikas sa Samar area.
Wala pa rin kuryente ang lahat ng 24 na munisipyo ng Northern Samar kasama na ang siyam na bayan ng Samar.
Sa inisyal nga report , pumalo sa 21 million ang halaga ng nga nasirang imprastruktura sa Northern Samar.
Nabawasan naman ang stranded na mga pasahero ha San Isidro Port kung saan aabot nalang ito sa 207 na indibidwal at 75 na mga sasakyan.