CAGAYAN DE ORO CITY – Kinasuhan na ng Criminal Investigation and Detection Group Region 10 (CIDG-10) ng illegal possession of firearms, ammunition and explosives at paglabag sa Omnibus Election Code ang apat na suspects na naaresto dahil sa pag-iingat ng mga matataas na kalibre ng baril at mga bala sa Lanao del Norte.
Ayon kay CIDG-10 deputy regional chief Maj. Napoleon Carpio, kanilang nahuli ang mga suspek alinsunod sa kanilang inilunsad na “Oplan Paglalansag.â€
Kabilang sa kanilang nakumpiska mula sa hindi pinangalanang suspek ang dalawang .45 caliber pistol, M1 garand rifle, M16 armalite rifle, shotgun, mga bala, granada at isang improvised sub-machine gun.
Naniniwala si Carpio na gagamitin ng mga suspek ang nasabing mga armas sa pag-harass sa mga kandidato na nalalapit na midterm elections.
Ito ang dahilan kung kaya’t kanila pang pinaigting ang kampaniya laban sa mga loose firearms.
Sa kabuuan, batay sa talaan ng CIDG-10 aabot na sa 31 na mga suspek ang kanilang naaresto kung saan 36 na matataas na kalibre ng armas ang kanilang nakumpiska mula buwan ng Marso hanggang sa kasalukuyan.