-- Advertisements --

CEBU CITY – Sinibak sa pwesto ang apat na police officers ng Lapu-Lapu City PNP na diumanoy nambugbog sa mga miyembro ng isang fraternity.

Ito ay alinsunod sa isinagawang imbestigasyon matapos kumalat ang isang video kung saan binugbog umano ng mga responding police officers ang dumaan lang na mga miyembro ng Alpha Kappa Rho fraternity.

Kinilala ang mga ni-relieve na police officers na sina, Staff Sergeant Adrian Yunting, Master Sergeant Rodrigo Inok, Staff Sergeant Dexter Albario, at Corporal John Paul Sojor.

Ayon kay Lapu-Lapu City PNP director Colonel Carlito Baja na nireresponde nila ang nangyaring kaguluhan noong gabi ng Sabado, November 16 sa Lapu-Lapu City Auditorium.

Kung maalala ay habang dumaan lang ang sinasabing mga miyembro ng Akhro bigla nang bigla na itong hinabol ng mga pulis at saka binugbog.

Dumipensa naman si Baja na gusto umanong sumali ang mga myembro ng nasabing grupo matapos na nahuli ang nagpasimuno ng kaguluhan.

Sa ngayon sinampahan na ng kaso ang mga nahuling myembro ng AKHRO habang inilagay muna sa Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU) ng PNP ang mga pulis na nauugnay sa insidente.