Inilabas na ni Vice President Leni Robredo ang kanilang 11 kandidato sa pagka-senador para sa 2022 national at local elections.
Isa isang press briefing, kasama ni Vice President Leni Robredo na siyang standard bearer ng oposisyon ang running-mate na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa pag-anunsiyo.
Narito ang mga senador na tatakbo sa ilalim ng kanilang tandem kasama na ang mga guest candidates:
- Senator Richard Gordon
- Senator Joel Villanueva
- Senator Miguel Zubiri
- Senator Risa Hontiveros
- Senator Leila de Lima
- dating Vice President Jejomar Binay
- dating Representative Teddy Baguilat
- Sorsogon Governor Chiz Escudero
- dating Senator Antonio Trillanes IV
- human rights lawyer Chel Diokno
- Alex Lacson ng Kapatiran.
Samantala, ikinokonsidera naman daw ni Robredo sa ika-12 miyembro ng kanilang lineup ang mga kandidatong magrerepresenta o magiging kinatawan ng “marginalized sector” na sina Bayan Muna chairperson at dating Rep. Neri Colmenares maging si labor leader Sonny Matula.
Sa kabilang dako, pormal na ring inanunsyo ni presidential aspirant Sen. Manny Pacquiao ang kanyang initial senatorial slate para sa 2022 national elections.
Kabilang dito ang ilang mga guest candidates din:
- Sen. Joel Villanueva, CIBAC
- Sen. Migz Zubiri, PMP
- Sen. Dick Gordon, Bagumbayan
- Gov. Chiz Escudero, NPC
- Ex-VP Jojo Binay
- Rep. Loren Legarda
- Atty. Neri Colmenares
- Ex-Gov. Lutgardo Barbo
- Broadcaster Raffy Tulfo
- Labor leader Elmer Labog
Para naman sa Lacson-Sotto Senatorial line-up kasama rin ang pag-adopt sa ilang independent candidates:
- Sen. Sherwin Gatchalian
- Sen. Joel Villanueva
- Sen. Migz Zubiri
- Sen. Richard Gordon
- Rep. Loren Legarda
- Ex-Vice President Jojo Binay
- Ex-DICT Sec. Gringo Honasan
- Ex-Sen. JV Ejercito
- Gov. Chiz Escudero
- Ex-Mayor Herbert Bautista
- Ex-MinDa Sec Manny Piñol
- Dr. Minguita Padilla
- Ex-Rep. Monsour del Rosario
- Paolo Capino, PWD advocate
Mayor Isko Moreno-Dr. Willie Ong senatoriables
- Atty. Jopet Sison
- Samira Gutoc
- Dr. Carl Balita
Ang presidential aspirant at dating Sen. Bongbong Marcos na tumatakbong independent ay hindi pa naglalabas kung mayroon man itong lineup para mga tatakbong senador.
Kung maalala una na ring nag-anunsiyo ang ruling party Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na faction ni Energy Secretary Alfonso Cusi ng kanilang senatorial slate na kinabibilangan nina:
1.Sec. Silvestre Bello III
2.Sec. Salvador Panelo
3.Sec. Mark Villar
4.Sec. John Castriciones
5.Sec. Greco Belgica
6.Rep. Rodante Marcoleta
7.Actor Robin Padilla
8.Broadcaster Rey Langit
Ang kanilang kandidato sa pagka-presidente ay si Sen. Bato dela Rosa habang tumatakbo sa pagka-bise presidente ay si Sen. Bong Go.