Nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng pagbibigay ng amnestiya sa mga miyembro ng iba’t ibang mga terorista at rebeldeng grupo sa bansa.
Nakasaad ito sa inilabas na Proclamation 1090, 1091, 1092 at 1093 na inilabas ng MalacaƱang.
Kabilang sa mga grupong inaalok ng amnesty ay mga miembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), Moro National Liberation Front (MNLF), Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/ Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade at Communist terrorist group.
Ang amnestiyang ito ay kaakibat na rin ng peace policy ng gobyerno na nagtatakda ng isang kapaligiran na mapayapa para sa pagpapatupad ng mga program na makapagsusulong ng pagkakaisa at pagbabalik-loob ng mga rebelde sa lipunang ginagalawan.
Sa ilalim ng inilabas na mga proklamasyon na may petsang Pebrero 5 ng kasalukuyang taon at pirmado ni Pangulong Duterte, maaaring mag-apply ng amnesty ang sinumang mga miyembro ng nabanggit na mga grupo na nakagawa ng kasalanan o paglabag sa batas partikular sa Revised Penal Code dahil sa pagsusulong ng kanilang paniniwalang political.
Kasama rin sa maaaring makapag-apply for amnesty ang mga miyembro ng mga grupong ito na kasalukuyang nakakulong, nakasuhan o convicted na sa mga kasong gaya ng rebelyon o insurrection, conspiracy and proposal to commit rebellion or insurrection, disloyalty of public officers and employees, inciting to rebelioon or insurrection, inciting to sedition, illegal assembly, direc assault, indirect assault at iba pang kaso.
Maaaring makapag-apply ng amnestiya ang mga rebelde sa loob ng isang matapos itong maging epektibo.