-- Advertisements --

Nananatiling positibo ang apat na probinsya sa bansa sa mataas na paralytic shellfish toxin, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Batay sa kanilang Shellfish Bulletin na may petsang Hunyo 28 at nailabas lamang nitong araw, sinabi ng BFAR na positibo pa rin sa red tide toxin ang San Pedro Bay sa Western Samar; Lianga Bay sa Surigao del Sur; ang coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental.

Iginiit ng BFAR na lahat ng uri ng shellfish at Acetes sp o alamang na manggagaling sa naturang mga lugar ay hindi ligtas para kainin ng tao.

Pero, ligtas naman daw kainin ang mga isda, pusit, hipon, at alimango na mahahango sa lugar hangga’t sa ito ay sariwa lamang at nahugasan ng husto, at natanggal ang lahat ng internal organs bago pa man lutuin ang mga ito.