Arestado ang apat na mga pulis sa isinagawang entrapment operation ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IME) at National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Maynila dahil sa pangongotong.
Nahuli ang apat pulis kagabi sa Police Community Precint-5 sa Baseco, Maynila.
Kinilala ang mga ito na sina, Cpl Nickson B Mina, Cpl Juan Carlo D Guzman, Cpl Fransis Mikko Gagarin, at Patrolman Tom Hikilan.
Ayon sa IMEG, huli sa akto ang apat na tumatanggap ng P200,000 marked money mula complainant na si Alaysa Panansang.
Nagreklamo kasi sa PNP-IMEG ang biktima na humingi ng P500,000 ang mga pulis kapalit ng kalayaan ng kanyang asawa na si Kelvie Panansang na naaresto dahil sa iligal na droga noong November 12.
Agad namang dinis-armahan ang mga nasabing pulis at kinumpiska ang kanilang ID at issued short firearms.
Sasampahan ng kasong criminal at administratibo ang mga nasabing pulis.