-- Advertisements --

Dead or alive ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa pito pang pulis Malabon na at large pa rin hanggang sa ngayon na sangkot sa kidnapping at robbery-extortion.

Ito ang inihayag CITF commander Col. Jose Chiquito Malayo batay sa tawag na kaniyang natanggap mula kay PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa na kasama ngayon ng pangulo sa Russia.

Sa panayam kay Malayo sinabi nito na ipinag-utos ng pangulo ang pag-aresto sa pitong pulis na nakilalang sina: PO3 Luis Hizon, PO2 Michael Huerto, PO3 Jovito Roque, PO3 Michael Angelo Solomon, PO1 Ricky Lamsen at SPO2 Jerry Dela Torre na mga miyembro ng CIDG habang si PO3 Bernardino Pacoma ay bahagi ng Civil Security Group.

Pahayag ng opisyal, na-relieve na sa pwesto ang lahat ng mga miyembro ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Malabon.

Kinumpirma rin ni Malayo na nagbigay ng tig-P2 milyong pabuya si Pangulong Duterte para sa pag-aaresto sa pitong nasabing pulis.

Kanina ini-inquest na sa Department of Justice ang apat na pulis Malabon na una ng naaresto ng CITF.