Inabsuwelto ng Sandiganbayan ang isang police colonel at tatlong iba pang police officers sa Cebu sa kasong graft at falsification.
Nag-ugat ang kaso laban sa mga pulis na ito makaraang payagan nilang na marehistro sa isang pribadong indibidwal noong 2005 ang isan nakaw na government vehicle.
Sa 39-pahinang desisyon na may petsang Marso 29, inabsuwelto ng Second Division ng anti-graft court ang apat na miyembro ng Traffic Management Group ng Camp Sotero Cabahug, Cebu sa paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at Article 171(4) ng Revised Penal Code.
Ipinag-utos din ng korte na ibalik ang cash o surety bond na inilagak nina Colonel (Senior Superintendent) Florencio Buentipo Jr., retired Major (Chief Inspector) Myrna Areola, at Corporals (PO2s) Achilles Anthony Diola at Jorlick Roma III.
Dapat na alisin na rin daw ang hold departure order na ikinasa laban sa kanila.
Noong 2013, naghain ng mga kaso ang Office of the Ombudsman laban sa apat na pulis nang makipagsabuwatan daw ang mga ito kay Ma. Cleofe Guerrero.
Pinahintulutan din daw ng mga ito ang falsification ng clearance certificate ng isang Mitsubishi Strada, na isa pang nakaw na sasakyan mula sa Valencia City government sa Bukidnon.