Sinibak na sa puwesto ang apat na pulis mula sa Police Station 9 ng Manila Police District (MPD) matapos matakasan ng isang preso na kanilang dinala sa ospital matapos itong himatayin.
Nakilala ang mga ito na sina Pol. C/Insp. Romeo Salvador, deputy station commander; PO1 Lyzer Segala, PO1 Rolly Mendano, at PO1 Elvin Ramirez.
Unang kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Pol. C/Supt. Guillermo Eleazar, na may isang bilanggo na nakatakas habang nasa kustodiya ito ng Station 9.
Kinilala ni Eleazar ang pumugang inmate na si Arman Arroyo, 35-anyos, at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o illegal possesion of illegal drugs.
Dinala sa ospital ang preso dahil ito may sakit ngunit binantayan ito ng dalawang pulis kasama ang kanyang nanay ng at kapatid.
Pero nang bumuti na ang kondisyon, humanap na paraan at saka tumakas.
Sina Mendano at Ramirez na silang nagbantay sa ospital ay isinailalim na sa inquest proceedings at nahaharap sa kasong infidelity in the custody of detainee.
Bukod sa dalawang pulis, sibak din sa puwesto ang jail officer ng presinto at ang deputy commander.
Iimbestigahan din ang mga ito kasunod ng pagtakas ng preso.