Nagtayo ang Manila Water ng aabot sa apat na purple hydrants sa ilang lugar sa Metro Manila.
Ito ang kinumpirma mismo ng pamunuan ng naturang water concessionaire sa isang pahayag.
Ayon sa Manila Water, layon ng hakbang na ito na matulungan ang Bureau of Fire Protection sa pagresponde nito sa mga insidente ng sunog sa NCR.
Ito aniya ay binuo para makuha ang wastewater mula sa mga sewage treatment plants ng kumpanya na siya namang magagamit bilang non-potable o hindi maaaring inumin.
Kabilang sa mga lugar na pinagtayuan nito ay ang Marikina North Sewage Treatment Plant (STP), Ilugin Sewage Treatment Plant sa Pasig at sa Poblacion Sewage Treatment Plant sa Makati maging ang nasa UP Diliman campus.
Sa pamamagitan din nito ay makatitipid ng malinis na tubig ngayong panahon ng tag-init maging ang pagkakaroon ng water efficiency sa pamamagitan ng water recycling.