Hinuli ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang apat na raliyesta sakay sa isang jeepney na paikot-ikot sa Quezon City Memorial Circle kanilang alas-8:00 ng umaga na may bitbit na bandila ng grupong Piston.
Ayon kay NCRPO chief M/Gen. Debold Sinas ang hinarang na jeepney at mga sakay ay dinala sa Camp Karingal at sasampahan na kaukulang kaso.
Una nang sinabi ni Sinas na mahigpit na ipinagbabawal ang mga traditional jeepney sa kalye kung saan may makita ang mga pulis na paikot-ikot na mga jeep agad itong huhulihin.
Mahigpit ang security protocol ang paiiralin ng NCRPO lalo na sa kahabaan ng Commonwealth patungong Batasan Pambansa kung saan dadaan ang convoy ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang hapon.
Nasa mahigit 7,000 police personnel ang ipakakalat ng NCRPO para magbigay seguridad sa SONA ng Pangulo.
In-place na rin ang kanilang security measures maging ang inihandang contingency plans.
Nasa 14 na mobile detention ang ipinakalat ng NCRPO, kung saan dito ikukulong ang mga protesters na mga pasaway at maaresto.
Nilinaw naman ni Sinas na hindi naman nila basta-basta arestuhin ang mga raliyesta sa Commonwealth kundi kanila muna ito idaan sa pakiusap na umalis sa lugar.
Tiniyak naman ng heneral na kumpleto sa protective gear ang mga pulis para makaiwas sa COVID-19 virus.
Samantala, wala namang namo-monitor na banta sa seguridad ang PNP sa SONA ng Pangulo.
Ayon kay Sinas, nakatutok ang intelligence community dito.
Giit nito na hindi nila binabalewala may banta man o wala sa seguridad.