-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Magsasanib-puwersa ang apat na mga rehiyon sa Luzon sa pagpapatupad ng checkpoint laban sa banta ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Region 2 executive director Narciso Edillo, ito ang napag-usapan sa pulong kasama ang mga opisyal ng ahensya mula Regions 1, 2, 3 at Cordillera.

Isa umano sa nakikitang paraan kontra ASF ang pagkakaisa ng mga checkpoints sa mga major boarders upang matugunan ang kakulangan ng manpower, laboratory services, test kits, at technical expertise.

Bagama’t walang masamang dulot sa kalusugan ng tao ang ASF, sinabi ni Edillio na kailangan pa rin itong bantayan dahil sa magiging epekto nito sa hog industry.