SA LUNSOD NG ILAGAN – Apat sa 17 criminal convicts na nakinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law ang sumuko na sa mga otoridad makaraang bigyan ni deadline ni Pangulong Duterte na isuko ang mga sarili sa loob ng labing limang araw simula noong Miyerkoles, September 4, 2019.
Ayoin kay PCol. Mariano Rodriguez, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office, inatasan niya ang mga hepe ng pulisya kung saan nakakasakop sa 17 criminal convicts na pinalaya dahil sa GCTA na hanapin ang mga ito .
Nanawagan din siya sa mga criminal convict na sumuko na at huwag nang hintayin na magpaso ang 15 araw na palugit ng Pangulo dahil mapipilitan na anya ang pulisya na sila ay huliin kahit walang warrant of arrest.
Samantala, ang 4 na sumuko ay isasailalim sa medical examination at booking procedures prior bago ipasakamay sa mga nakakasakop na otoridad.