Sasampahan na ng kaso ang apat sa 18 pulis na sangkot sa pagpupuslit ng mga kontrabando sa New Bilibid Prisons (NBP).
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, BGen. Debold Sinas, hinahanda na sa ngayon ang kasong administratibo laban sa apat sa 18 pulis.
Posibleng suspindehin o ma-demote ng isang ranggo at masibak sa serbisyo ang mga akusadong pulis.
Sinabi ni Sinas, kumpirmadong may alak na inihalo sa iced tea drink at sigarilyo ang 60 rolyo ng tabako na nakumpiska sa mga nasabing pulis matapos itong ipasuri sa PNP Crime Laboratory.
Samantala, ani Sinas na magpapatuloy ang ginagawa nilang imbestigasyon sa 14 na iba pang pulis na nahulihan namang may dalang cellphone sa NBP na mahigpit din namang ipinagbabawal.
Hinihintay na lamang aniya ang resulta ng Forensic Examination ng PNP Anti-Cybercrime Group hinggil dito.
Nadis-armahan na ang 16 na pulis at dalawang opisyal na kasalukuyang nananatili sa Regional Personnel Holding and Accounting Office ng NCRPO.