-- Advertisements --
FB IMG 1618904883067

Nasa apat sa 20 na tripulanfe ng sumadsad na barko sa karagatang sakop ng Barangay Cantapoy sa Malimono, Surigao del Norte ang natagpuan nang patay.

Ito ang resulta ng ikatlong araw ng nagpapatuloy na search and rescue operation ng mga tropa ng Philippine Coast Guard (PCG) at ibang search units sa 20 tripulante ng LCT Cebu Grean Ocean na sumadsad sa baybayin ng Malimono Surigao del Norte kamakalawa.

Kabilang sa mga casualties sina Norman Galon, Michael Inoc, Jose Sherwin Laniba at Mark Evan Cuesta.

Sinabi ni Coast Guard Spokesman Commodore Armand Balilo, pito ang survivor sa naturang insidente.

Kabilang dito sina Noli Labucay, Roger Polo, Arjie Bacarra, Joejie Villanueva, Felipe Quebuen, John Renzo Guanzon at Junmar Galeos.

Habang patuloy pang nawawala ang siyam na iba pang tripulante.

Sinabi ni Balilo na tumutulong na rin ang PNP-Maritime group at ang lokal na pamahalaan sa paghahanap sa mga nawawalang tripulante sa mga kalapit na lugar ng Malimono sa Surigao area.

Una nang iniulat ng PCG ang pagsadsad ng LCT Cebu Great Ocean noong Lunes ng hapon.

Hindi pa klaro sa ngayon kung ano ang tunay na dahilan ng pagsadsad nito sa baybahin ng Bgy. Cantapos sa Malimono.

Kargado ang barko ng nicle ore at 2,000 litro ng diesel.