-- Advertisements --

LA UNION – Nakapagtala ang lokal na pamahalaan ng San Fernando City ng limang bagong kaso ng COVID 19 ngayong araw ng Linggo, Setyembre 20, 2020.

Mula sa nasabing bilang, apat dito ang sinasabing close contact ng mga COVID-19 patients sa Police Regional Office (PRO-1).

Sina Patients #157, #158, #159, at #160 na may edad 24 hanggang 27 ay tubo ng Pangasinan at isa sa kanila ang native ng Amulong, Cagayan.

Tatlo sa kanila ang asymptomatic, isa ang symptomatic, at pare-parehong nasa isolation facility sa ngayon.

Samantala, ang ika-5 kaso na si Patient #161, 50-anyos na babae ng Barangay Parian, asymptomatic, at wala umanong exposure sa positive patient, ay nasa ilalim ngayon ng isolation facility.

Base din sa impormasyon galing sa City Gov’t. of San Fernando, ang buong residential compound ni Patient# 161 ay isasailalim sa Heightened Community Quarantine (HCQ) sa loob ng 72 oras o tatlong araw.

Nananatili naman na naka-lockdown ang PRO-1 compound bilang bahagi sa hakbangin na mapigilan ang paglaganap ng nakakahawang sakit na COVID-19.

Noong Sabado, Setyembre 19, mayroong siyam (9) na recovered patients ang naitala sa syudad na kinabibilangan ng pito (7) mula sa Barangay Parian, isa sa Barangay Lingsat at isa sa Barangay Sevilla.