-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay nang matagpuan ang apat sa lima na mga menor de edad na sabay-sabay malunod habang naliligo isang beach sa Purok 1, Barangay Tambacan, Iligan City nitong araw.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Police Maj Zandrez Panolong ng Iligan City Police Office na kinilala ang mga biktima na sina Jomar,6;Jocel;7;Junrey Sarsaba 12; Neijel Mae Marilog,6 at Daisy Mae Doble na patuloy pang missing.

Sinabi ni Panolong na habang binigyang saklolo ng ama na si Primiliro Sarsaba si Jocel dahil nalulunod subalit hindi nito namalayan na sumunod sa kanya ang apat pang mga anak.

Itinulak umano ng ama ang apat na anak papunta sa mababaw na bahagi ng dagat habang nag-iipon ng hangin subalit tinangay ang mga ito ng mga alon at lahat missing.

Agad naglusad ng malawakang rescue,search and retrieval operation hanggang sa na rekober ang apat sa lima subalit lahat sila nalagutan ng kanilang mga hininga pagdating sa ospital.

Sa ngayon patuloy na pinaghahanap pa ang si Doble habang isinagawa ang karagdagang imbestigasyon ng pulisya.