-- Advertisements --

Gumagana na ang 4 sa 6 na cooling tower na nagkaaberya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA).

Sinabi ng MIAA na puspusan ang pagtatrabaho ng engineering team nito para sa panunumbalik ng iba pang mga cooling tower.

Samantala, nananatili naman ang mga evaporative fan sa mga critical areas sa paliparan para makatulong na mabawasan ang discomfort ng mga pasahero.

Noong Sabado ng gabi, kung matatandaan, ilang cooling tower ng NAIA Terminal 3 ang nagkaaberya dahil sa electric overload.

At para makayanan ang init, nakita ang mga pasahero na gumagamit ng mga pamaypay at handheld mini battery-powered fan.

Humihingi naman ang MIAA ng paumanhin para sa anumang abala na idinudulot ng sitwasyon sa lahat. Hangad anila nila ang pang-unawa ng mga pasahero at stakeholder. Makakatiyak umano ang publiko na ginagawa nila ang lahat para maibalik ang air conditioning system sa full functionality ng mga ito.