BACOLOD CITY – Apat na ang na-retrieve mula sa siyam na nawawalang crew ng lumubog na FV St.Peter The Fisherman II.
Maaalala na lumubog ang fishing vessel noong Biyernes ng madaling araw sa pagitan ng Sicogon Island sa Carles, Iloilo at Cadiz City, Negros Occidental kung saan unang na-rescue ang 22 na mga crew ng barko at siyam ang reported na missing.
Sa isinagawang search and retrieval operation ng Philippine Coast Guard, dalawang bangkay ang unang natagpuan noong Sabado ng gabi.
Sa interview ng Bombo Radyo Bacolod kay Chief Petty Officer Wilmar Dolorfino, commander ng Coast Guard Sub Station Cadiz, ibinahagi nito na ang na-retrieve na mga bangkay ang kinilala na sina Norberto Parlotzo, ang sonar operator ng barko at residente sa Bantayan Island, Cebu at ang piscador na si Rommel Engle ng Cadiz City, Negros Occidental.
Maliban sa dalawang unang na-retrieve, kasunod naman na nahanap ng tehnical divers ng PCG Auxillary ang dalawa pang biktima kahapon ng hapon.
Sa huling impormasyon, hindi pa nakilala ang dalawang mga bangkay.
Ayon kay Capt. Ludovico Librilla, commander ng Coast Guard Station Negros Occidental, lumutang ang bangkay ng isang biktima habang natagpuan naman ng isang technical diver ang isa pa sa ilalim ng dagat.
Senigurado naman ni Librilla na makikilala ang mga labi sa Cadiz City Port dahil nakaantabay dito ang personnel ng shipping company na syang kikilala sa mga bangkay.
Ngayong araw, magsasagawa naman ng muling pagsisid ang mga technical divers para sa search and retrieval operation at susubukan ng mga ito na mapasok ang barko upang matagpuan ang limang natitirang pang crew na hindi pa nahahanap.