BUTUAN CITY – Muling napatunayan ng Caraga State University o CSU-Butuan City Campus na ang kanilang unibersidad ang ‘Home of Top Notchers’.
Ito’y matapos na apat sa Top 10 ng 2022 Geodetic Engineer Licensure Examination ay mula sa nasabing paaralan na kinabibilangan ng No. 3 na si Deamark Jhone Palaran na nakakuha ng 90.60% rating; No. 6 na si Kent Lloyd Mañoza na may 89.60% rating; No. 7 si John Carl Escasio – 89.40% rating, at No. 9 na si Albert Dalman na may 88.80% rating.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Engr. Mirriam Santillan, Dean ng College of Engineering and Geosciences ng Caraga State University, inihayag nitong nakakuha din ng 86.71% na passing rate ang kanilang paaralan matapos na 118 mula sa 136 nilang mga takers ang pumasa.
Maliban dito’y pang-apat din ang CSU sa listahan ng mga top performing schools para sa Geodetic Engineering Licensure Examination na may 10 o mahigit pang mga examinees.