-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Himas rehas ngayon ang apat na sabungero nang mahuli sa anti-illegal gambling operation sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga suspek na sina Raffy Sabpar, Junie Managkil, Arnel Magbanua, na taga Brgy Renibon at Robert Seguinte na taga Poblacion 3 Pigcawayan Cotabato.

Ayon kay Pigcawayan Chief of Police Major Ivan Samoraga na nakatanggap sila ng impormasyon sa mga nagsasabong sa Sitio Tungano Barangay Renibon Pigcawayan Cotabato.

Agad itong sinalakay ng pulisya sa tulong mga myembro ng Barangay Peacekkeping Action Team (BPAT) ang mga nagsasabong.

Nahuli ang apat na sabungero habang ang iba ay mabilis na nakatakas.

Narekober ng mga pulis ang 13 motorsiklo,limang manok panabong at P890 bet money.

Isa sa mga nahuli ang nagsabi na sila ay hindi sabungero at nanuod lamang umano ng sabong kaya hindi sila tumakbo nang dumating ang mga pulis.

Sa ngayon mga nahuli ay nakapiit na sa costudial facility ng Pigcawayan MPS at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.