-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Labis ang pasasalamat ng apat na mga may-ari ng sari-sari store mula sa Brgy. North Manuangan, Pigcawayan, Cotabato makaraang makatanggap ng Mini Groceries mula sa Department of Trade and Industry o DTI.

Ito ay naisakatuparan sa nagpapatuloy na Negosyo Serbisyo sa Barangay—Livelihood Seeding Program ng DTI-Pigcawayan Negosyo Center katuwang ang LGU-Pigcawayan.

Layon ng programa na magbigay ng Livelihood Starter Kits tulad ng Mini Groceries na makatutulong sa pagpapalago sa kabuhayang sari-sari stores ng mga benepisyaryo.

Matatandaan na noong nakaraang linggo, apat (4) ring sari-sari store owners mula Barangay Balogo ang mapalad na naging benepisyaryo ng nasabing programa.