CENTRAL MINDANAO-Limang mga myembro ng New Peoples Army (NPA) ang sumuko sa militar sa probinsya ng Sultan Kudarat.
Ang mga rebelde ay nkilalang sina alyas Wendel, Squad Leader ng “My Phone” Platoon; alyas Elagan,Team Leader ng Platoon “Bagdad”; alyas Harris, Squad Leader ng Platoon “Timlas”; alyas Leon,dating Commanding Officer ng Platoon “Yakal” at alyas Annamae, Political Guide ng Platoon “Timlas” sa ilalim ng Sub-Regional Committee (SRC) Daguma, Far South Mindanao Region (FSMR).
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major General Juvymax Uy na sumuko ang mga NPA sa tropa ng 7th Infantry Battalion Philippine Army at pulisya sa magkatabing bayan ng Senator Ninoy Aquino at Bagumbayan Sultan Kudarat.
Isinuko ng mga rebelde ang dalawang M16 Armalite rifles (1) 5.56mm Carbine (converted) Rifle,tatlong .38 revolver,mga bala at magasin.
Nakatanggap rin ng inisyal na tulong ang limang NPA mula sa LGU-Bagumbayan at Senator Ninoy Aquino.
Nagpasalamat si 603rd Brigade Commander Bregadier General Eduardo Gubat sa mga tumulong sa negosasyon sa mapayapang pagsuko ng mga rebelde.
Hinikayat muli ni MGen Uy ang ibang NPA na hindi pa mulat sa katotohanan sa mali nilang pinaglalaban na sumuko na at mamuhay ng mapayapa.