TACLOBAN CITY – Nasa malubha ang kalagayan ngayon ng aabot sa apat na indibdiwal matapos na paulanan ng bala ang kanilang sasakyan ng hindi nakilalang mga suspek sa bahagi ng Barangay Hibucawa, Jaro, Leyte.
Kinilala ang mga ito na sina Eupoldo Siosa, 44, driver ng sasakyan; Estrella Jeraldo, 62, chairwoman ng San Pedro, Tunga, Leyte; Ailen Jeraldo, isang guro, at Raquel Cunia, 27, pawang mga residente ng Tunga, Leyte.
Tama sa ulo ang tinamo ni Siosa at ni Geraldo samantala tama naman sa likod ang inabot din ng isang guro at ni Cunia.
Nakuha sa crime scene ang dalawang deformed cartridge case.
Ayon kay Capt Edgar Octaviano, tagapagsalita ng LPPO, mula Tacloban at biyaheng Tunga, Leyte ang mga ito nang sundan ng mga gunmen hanggang sa nag-open fire sa kanila.
Patuloy pa naman nilang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga suspek.
Ayon pa kay Octaviano, hindi pa nila malaman kung ano ang motibo sa naturang shooting incident
“The Jaro Municipal Police Station is now conducting thorough investigation for possible identification and arrest of the suspect, motive is still subject for investigation,” ani ni Octaviano
Maliban sa mga biktima at tatlo pa ang sakay ng Suzuki Ertiga na kinilala na sina Wilfredo Asstorga, 62; Stephanie Cunia, Sheena Cunia, 4-year old na nasa ligtas naman sa ngayon ang kalagayan.