-- Advertisements --

Tatlong katao ang nagtamo ng tama ng baril habang isa ang sinaksak sa nangyaring away pamilya sa isang paliparan.

Naaresto ng mga otoridad ang isang babaeng menor de edad at lalaki sa isang parking garage ng Phoenix Sky Harbor International Airport sa Arizona.

Dinala na sa mga pagamutan ang mga sugatang biktima habang nakakulong na ang mga naarestong suspek.

Nasa kritikal na kalagayan ang babaeng biktima habang ang dalawang lalaki na binaril at isang lalaki na sugatan ay nasa ligtas na ang kalagayan.

Hindi naman naapektuhan ang operasyon ng paliparan at naging normal na ito.