-- Advertisements --
TUGUEGARAO CITY- Ginagamot ngayon sa ospital ang apat na katao na nasugatan matapos silang madaganan ng mga hollow blocks sa Nueva Vizcaya.
Sinabi ni Johnny Lorenzo, nasugatan ang kanyang mga magulang at kanyang pinsan at asawa matapos na bumangga ang Florida bus sa kanilang mga bahay nitong Biyernes ng madaling araw.
Ayon sa kanya, mabilis umano ang takbo ng bus kung saan maging ang poste na nabangga nito ay natumba.
Sinabi niya na natutulog umano ang kanyang biktima nang nang mangyari ang insidente.
Idinagdag pa ni Lorenzo na may nakita din silang ilang pasahero na dinala sa ospital.
Sinabi pa niya na sinabi ng mga pulis na tumakas umano ang driver ng nasabing bus.
Nabatid na galing Manila papuntang Tuguegarao City ang bus.