-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Naisugod sa pagamutan ang apat katao nang mahulog sa bangin ang kanilang sinakyang pickup sa probinsya ng Cotabato.

Ayon sa ulat ng Pigcawayan MPS na pumalya ang makina ng pick-up na sinakyan ng mga biktima paakyat ng Sitio Tiwasay Barangay Kimarayag North Cotabato.

Kaya umatras ang sasakyan at nahulog sa malalim na bangin sa gilid ng kalsada.

Walo ang sakay ng Toyota pick-up truck na lahat ay magkakamag-anak.

Ang mga sugatan ay agad dinala sa pagamutan ng mga nagrespondeng mga opisyal ng Barangay at pulisya.

Papunta sana ang mga ito upang manood ng tourist spot sa naturang Barangay ng mangyari ang insidente.

Paalala ng Pigcawayan MPS sa mga driver na aakyat sa mga tourist spot sa bayan ng mag-ingat sa pagmamaneho at siguraduhin na kondisyon ang kanilang sasakyan.