LEGAZPI CITY – Nagpapagaling na ngayon ang apat katao mula sa tinamong mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos na masangkot sa aksidente sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy. Binatagan, Ligao City.
Una rito, binabaybay ng motorsiklo na minamaneho ni Cpl. Nolly Quilla, 46, at miyembro ng Philippine Army ang daan patungong Oras na sinusundan ang motorsiklo na minamaneho naman ni Ruby Velasco.
Subalit sa pagdating sa lugar na pinangyarihan ng insidente, bigla na lamang umanong kumaliwa ang minamanehong sasakyan ni Velasco na dahilan upang aksidenteng mabangga ang motorsiklo ni Quilla.
Sa lakas ng impact, pawang nagtamo ng sugat sa katawan ang dalawang driver habang sugatan din ang backride ni Velasco na sina Glenn Vejerano, 18, at ang dalawang taong gulang na batang lalaki.
Naitakbo naman kaagad sa pagamutan ang mga ito.