CAUAYAN CITY – Nagpapagaling pa rin sa pagamutan ang apat na taon na nasugatan sa pagbaligtad ng tricycle sa Barangay Centro-San Antonio, City of Ilagan.
Ang mga biktima ay kinilalang sina Armando Servilla, 30, tsuper ng tricycle; Gilbert Sabado, 23; Daisy Arugay, 45; Eugene Fernandez, 29, pawang mga residente ng Brgy. Cabisera 10 at si Jomer Marcelo, 23, residente naman ng Villa Imelda, City of Ilagan.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa City of Ilagan Police Station, binabagtas ni Edmar Macasaddug, 41-anyos, tsuper ng SUV, government employee at residente ng Barangay Centro-San Antonio ang lansangan ng Barangay Centro habang nasa kasalungat na direksyon naman ang tricycle.
Sinusundan ng tricycle ang isang forward truck at nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay huminto ang forward truck dahilan upang mag-overtake ang tricycle at habang nasa proseso ng pag o-overtake ay hindi nito napansin ang paparating na SUV.
Dahil sa lakas ng banggaan ay bumaligtad ang tricycle na nagresulta naman upang magtamo ng mga sugat ang apat na nabanggit na biktima maging ang tsuper nito.