-- Advertisements --
Isulan Sultan Kudarat ied
Isulan, Sultan Kudarat (photo courtesy Allan Anthony Pullan)

(3rd Update) CENTRAL MINDANAO – Nadagdagan pa sa walong katao ang sugatan sa nangyaring pagsabog ng bomba sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat dakong alas-7:05 nitong umaga ng Sabado.

Sa inisyal na impormasyon sumabog ang pinaniniwalaang improvised explosive device (IED) malapit sa public market at public terminal ng Isulan.

Sinasabing isang malakas na uri ng IED ang sumabog kung saan sa inisyal na report kabilang sa mga sugatan ay mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATS) at may isa ring traffic enforcer.

Kinilala ang mga biktima na sina Jay Carnaso, Razin Galano, Jarren Amido, Nino Virgo, Jomar Aquino, Gerald Cartagena, at Terrence Agadas na isang traffic enforcer sa lugar.

Sa ngayon ay kinordon na rin ng pulisya ang lugar na pinangyarihan ng pagsabog.

Ayon kay Lt. Col. Junie Buenacosa, Isulan police chief, patuloy pa ang ginagawa nilang imbestigasyon at pagkalap ng impormasyon kung sino ang nasa likod at motibo sa naturang pangyayari. (with report from Bombo Radyo Koronadal)

Isulan IED 3
Isulan, Sultan Kudarat (photo courtesy Allan Anthony Pullan)