-- Advertisements --

ROXAS CITY – Sugatan ang apat katao kabilang na ang tatlong driver ng motorsiklo at isang backrider matapos nagkarambola ang tatlong motorsiklo sa Barangay Culasi, Roxas City.

Pawang nagtamo ng mga sugat sa katawan sina Roger Develos, security guard ng Pilar, Barotac Viejo, Iloilo, Ronald Desidro kasama ang kapatid na backrider na si Vicmar Desidro, ng Barangay Dinginan, Roxas City at Reymark Buñag ng Sityo Ilaya, Barangay Dinginan, Roxas City.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Roxas City PNP na patungo sa Barangay Culasi, ang sekyu nga si Develos sakay sa motorsiklo ng biglang binangga ng motor na minamaneho ni Buñag .

Dahil sa lakas na impact ay nabangga pa nito ang motorsiklo ng magkapatid na Desidro.

Kaagad na dinala sa ospital ang mga biktima, para magamot ang natamong mga sugat.