-- Advertisements --

CEBU CITY – Iniutos na ng Philippine Coast Guard (PCG) Central Visayas sa Jomalia Shipping na mag-submit ng marine protest matapos tumagilid ang isang RORO vessel sa Consuelo Port, San Francisco, Camotes Island, Cebu.

Ayon kay PCG-7 spokesperson Lt. Jr. Grade Michael John Encina, galing Danao City ang MV Mika Mari 8 sakay ang halois 150 pasahero nang ma-out of balance.

Pinaniniwalaang dahil sa pagbaba ng rolling cargoes na isinakay dito. Bukod kasi sa rolling cargoes may malalaking 10-wheeler trucks din sa sakay ang barko.

Ani Encina, tumagilid ang roll-on-roll-off vessel (RORO) habang nagma-maniobra ang isang ten-wheeler truck papalabas ng barko.

Dinala sa pagamutan ang apat na sugatang pasahero habang nasa ligtas na kalagayan na ang iba pa matapos itong na-rescue ng coast guard.

Sinabi rin ni Encina na magsasagawa sila ng marine casualty investigation kapag nakapag-submit na ang Jomalia Shipping ng marine protest.