-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Inihanda na ng pulisya sa bayan ng Buenavista, Agusan del Norte ang mga ebidensya at dokumentong gagamitin para sa isasampang kaso laban sa isang lalaking nanaga ng apat katao sa Purok 5, Sitio Talag-anawan, Brgy. Talo-ao.

Ang nasabing pangyayari at syang nagdala sa ospital sa mga biktimang sina Alberto Sabillon, 69-anyos, residente ng Purok 1, Brgy. Malapong ng asabing bayan pati na nina Glady Mae Quijano, 24-anyos, dalaga; Cristituto Quijano, 56-anyos, may asawa at Jaime Gales, 63-anyos, biyudo at parehong residente ng naturang lugar na pinangyarihan

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Buenavista Municipal Police Chief Major Randy Abunda, na parehong may taga sa ulo ang mga biktima na ginamitan ng itak at lagaraw ng suspek.

Ayon sa imbestigasyon, bigla na lamang umanong nagsadya sa bahay ni Cristituto Quijano ang suspek na si Sonyl Sajulga Boiser na nagdala rin sa pangalang Sanny Sajulga Boiser, 45-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Sinubukan pa nitong tagain ang nag-welding na sina Herbert Abugatal, 37-anyos, binata, residente ng nasabi ring lugar at si Joel Sabillon, 31-anyos, residente ng Purok 1, Brgy. Malapong na hindi natamaan dahil nabara ito ng ginagawa nilang dog cage kung kaya’t pumasok na ito sa bahay ni Cristituto at pinagtataga sina Alberto Sabillon at Jaime Gales na nanonood lang ng TV sa sala at saka dumiretso ng kusina kungsaan nagluluto sina Cristituto at Glady Mae Quijano na sinunod naman nito kung kaya’t dito na binato ni Joel Sabillon ng bakal ang suspek na dali namang tumakas.

Dagdag pa ni Major Abunda, umabot na sa bundok ang paghahanap nila sa suspek na umuwi din sa kanyang bahay kinagabihan kung kaya’t doon na ito naaresto.

Ayon sa suspek, may bumubulong umano sa kanyang may papatay sa kanya matapos na tatlong araw ng walang kain at palagi na lang nag-iinom matapos na hindi na inuwi pa ng kanyang nakagalitang asawa.