-- Advertisements --

NAGA CITY – Sugatan ang apat katao sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Sitio Canal, Brgy. Bahay, Pasacao, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, nabatid na binabaybay ng Suzuki Smash Motorcycle na minamaneho ni Alder Basco, 55, ang naturang lugar kasama ang backrider na si Delia Basco.

Ngunit biglang lumiko sa kaliwang bahagi ng kalsada ang motorsiklo na naging daan para mahagip nito ang isa pang motorsiklo na minamaneho naman ni Rodel Mojico, 34, kasama ang backrider na si Domingo Mojico.

Kaugnay nito, parehong nagtamo ng mga sugat sa katawan ang dalawang driver at mga backrider nito na agad namang isinugod sa ospital.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.