-- Advertisements --

ROXAS CITY – Sugatan nang dinala sa pagamutan ang apat na katao na sakay sa dalawang motorsiklo na nagsalpukan sa Barangay Cabugao, Roxas City.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang magpinsan na sina Gilbert Gomez, driver ng motorsiklo at 15-anyos na backrider na pinsan, pawang nagtamo ng mga sugat sa katawan.

Nilalapatan rin ng lunas ang dalawang iba pang sugatan na sakay ng isang motorsiklo na sina Kerk Pimentel ng Banica, Roxas City at backrider na si JayR Maningola ng bayan ng Tapaz, Capiz.

Lumalabas sa imbestigasyon na habang binabaybay ng magpinsan ang daan papunta sa Barangay Cabugao, biglang nag-overtake ang motorsiklo na minamaneho ni Pimentel sa motorsiklo ng magpinsan na Gomez.

Ngunit hindi inaasahan na nahapit ni Pimentel ang motorsiklo ni Gomez kaya natumba ito at nasugatan ang sakay ng dalawang motorsiklo.