(Update) Apat na katao ang nasugatan matapos ang naitalang anim na mahihinang pagsabog sa Bangkok, Thailand.
Kasabay ito ng pag-host ng Thailand ng regional summit na dinaluhan ng mga foreign ministers mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at sa kanilang mga counterparts sa world powes gaya ng United States, China at Russia.
Batay sa ulat, naitala ang unang pagsabog sa dalawang lugar malapit sa central Bangkok at ang ikatlo naman ay malapit sa government complex.
Narekober ng pulisya ang nasa anim na bomba na sumabog sa tatlong magkakaibang lokasyon, maging ang isang device na hindi pumutok.
Sa pahayag naman ng Erawan Medical Center, wala naman daw sa mga sugatan ang nasa malubhang kondisyon at patuloy na nakatatanggap ng atensyong medikal sa mga ospital.
Kaugnay nito, ipinag-utos na ni Thai Prime Minister Prayuth Chan-o-cha ang imbestigasyon hinggil sa nangyari. (Al Jazeera)