-- Advertisements --
Arestado ang apat na katao na responsable sa parcel bomb na sumabog sa Lyon, France na ikinasugat ng 13 katao.
Isa sa mga naaresto ay 24-anyos na lalaki na siyang bomber kasama ang isang babae na nakakulong na ngayon.
Patuloy pang tinutugis ng mga otoridad ang lalaki na nakabisikleta na siyang naglagay ng bomba.
Nakipag-ugnayan na rin ang Ant-terrorist prosecutors sa Lyon police at internal security service ng France.