-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Umakyat pa sa apat na kasapi ng Malaybalay City Fire Station sa probinsya ng Bukidnon ang nagpositibo sa COVID-19.

Sinabi ni Malaybalay City Fire Marshal Inspector John Rey-an Donasco na naka-isolate na ang apat at nagnegatibo naman sa swab test ang iba pa nilang personahe na may close contact sa mga biktima.

Ayon kay Donasco, nakatakda nang magbalik operasyon ang kanilang fire station sa Lunes matapos ang ilang araw na pagsailalim sa lockdown.