BAGUIO CITY – Arestado ang apat na wanted persons sa manhunt operations ng pinaghalong pwersa ng mga otoridad sa Tabuk City, Kalinga.
Unang naaresto si Richard Garcia, 39-anyos at residente ng Santiago City, Isabela, kung saan, nahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-violence Against Women and their Children Act of 2004.
Arestado rin si Cesario Cabreros, 40-anyos at residente ng Liwan West, Rizal Kalinga dahil sa kasong RA 10022 o Illegal Recruitment.
Matagumpay ding naaresto si Josel Deeg, 52-anyos dahil sa kaso nitong sexual assault at paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Arestado rin ang suspek sa pagmomolestya sa isang bata at itinuturing na No. 7 most wanted person ng Kalinga.
Nakilala itong si Ariston Barcela, 34-anyos at residente ng Brgy. Asibanglan, Pinukpuk na may kasong paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.