-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Isang apat na taong gulang na batang lalaki ang unang biktima ng firecracker-related incident sa Bago City, Negros Occidental.

Ayon kay PMaj. John Joel Batustusan, hepe ng Bago City Police Station, ang bata ay nasabugan ng boga sa Barangay Bacong, Bago City.

Sinabi ni Batustusan, ang boga ay ginawa ng ama ng bata upang gamitin sa pagtataboy ng mga ibon sa pinagmamayaring palayan.

Ngunit nitong nakaraang hapon, hindi napansin ng ama na si Randy Recania na nilaruan ng kanyang anak ang boga at ito ay aksidenteng sumabog.

Ang bata ay nagtamo ng sugat sa mata at ginagamot pa sa ospital.