-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Umabot pa sa 26 na katao at 40 armas ang nakumpiska ng Police Regional Office Region 10 (PRO-10) sa kanilang regionwide implementation ng Commission on Elections (Comelec) gun ban.
Ayon kay PRO-10 Spokesperson Police Supt. Surkie Serenias, umabot na rin sa mahigit 13,000 na bala ang kanilang nakolekta at naipasa sa korte bilang ebidensiya sa kanilang isinampang kaso sa mga gun ban violators.
Kabilang sa mga nito ang ilang pulitiko, dalawang pulis at isang security guard.
Nagpaliwanag si Serenias na mas mabigat ang parusa kung mapapatunayan lumabag sa election gun ban ang isang indibidwal.