-- Advertisements --
Palarong Pambansa Opening

DAVAO CITY – Aabot na sa 40 na mga atleta at mga delegado ng Palarong Pambansa 2019 ang dinala sa pagamutan mula nang buksan ang sporting events.

Karamihan sa mga nadala sa infirmary ay ang mga nagkasakit ang iba naman ay nahilo dahil sa sobrang init.

Nadala rin sa infirmary ang mga atleta na nagtamo ng pasa dahil sa contact sports na dinaluhan.

Dalawang atleta naman mula sa Region 6 at Central Luzon ang nagka-chicken pox at kaagad na pinauwi sa kanikanilang mga lugar dahil di sila maaring magpa-iwan sa lungsod ng Davao lalong-lalo na sa kanikanilang mga billeting quarters sa pangambang makakahawa sila ng iba pang atleta.

Isang atleta rin mula sa Aklan ang nananatili sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) at naghihintay na lamang na payagang makalabas sa hospital matapos magka-dengue.