-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Takot ang naramdaman ng mga residente sa dalawang Barangay sa bayan ng President Quirino Sultan Kudarat na binayo ng buhawi.

Ayon sa ulat ng tanggapan ng Municipal Desaster Risk Reducation and Management Office (MDRRMO) President Quirino na bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng animoy bagyong hangin.

Ilang minuto lamang ang nakalipas ay kitang-kitang ng mga residente ng Brgy Romualdez at Kalanawi II sa bayan ng President ang nabuong buhawi na tumama sa kanilang tahanan kaya mabilis silang nagsitakbuhan patungo sa mga ligtas na lugar.

Umaabot sa 40 na bahay ang winasak ng buhawi at maswerteng walang nasugatan sa mga sibilyan.

Sa ngayon ay nakatakdang mamahagi ng tulong ang LGU-President Quirino sa mga residente ng 2 Barangay na sinalanta ng buhawi.