-- Advertisements --

LA UNION – Kabuuang 40 mga benepisaryo sa bayan ng San Gabriel, La Union ang binigyan ng Department of Trade and Industry Region-1 ng Negosyo Starter Kits.

Bahagi ito ng Negosyo Serbisyo sa Barangay (NSB) at Pagbangon at Ginhawa (PBG) na programa ng ahensiya sa ilalim ng livelihood seeding program (LSP).

Pinangunahan ito ni DTI La Union Provincial Director Merlie Membrere at DTI Region-1 Director Grace Baluyan.

Bawat benepisaryo ay tumanggap ng P10,000 na halaga ng negosyo starter kit gaya ng sari sari store, bigasan rice retail, canteen equipment para sa pag-proseso ng mga pagkain at livestock packages.

Ang naturang programa ng DTI ay para matulungan ang mga kwalipikadong indibidwal at small micro-enterprises na naapektuhan ang hanapbuhay sa paglaganap ng Covid 19.