Inihanda na umano ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kaso laban sa 40 mga personahe ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa irigularidad kagaya ng tinatawag na pastillas bribery scheme.
Kumpiyansa si Sen. Risa Hontiveros na makakalikom pa sila ng mabigat na ebidensiya habang nagpapatuloy ang committee hearings.
Dagdag pa nito, nasa P40 billion na suhol ang nabuo ng mga ito dahil sa pastillas scheme.
Dahil dito, umapela siya sa iba pang mga opisyal ng immigration na kasangkot sa kontrobersiya na makipagtulungan at tulungan sila na matanggal ang katiwalian sa nasabing ahensya.
Nauna nang inihayag ng BI na may nakikita silang mga pagkakaiba sa pagitan ng mga assets, liabilities, networth at ang sweldo ng ilang tauhan na na-link sa kontrobersya.
Gayunman, binigyang diin ni Immigration spokesperson Dana Sandovalna na ang mga natuklasan na ito ay kailangan pa ring ma-verify ng Department of Justice.