-- Advertisements --
COCAINE GUBAT SORSOGON
P200 million cocaine recovered in Gubat, Sorsogon

LEGAZPI CITY – Isinasailalim na sa masusing pagsusuri ng crime laboratory ang nasa 40 bloke ng pinaniniwalaang panibagong mga cocaine na narekober sa karagatan ng Barangay Bagacay, Gubat, Sorsogon.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Maj. Jim Jeremias, hepe ng Gubat Municipal Police Station, narekober umano ang nasabing pinaniniwalaang iligal na droga ng tatlong mangingisda na nakalagay pa sa isang selyadong kahon.

Voice of Maj. Jim Jeremias.

Hindi pa makumpirma ngayon ng PNP kung ano ang laman nito o kung konektado ba sa mga narerekober na cocaine sa bahagi ng karagatang Pasipiko.

Maaalalang pinakahuling nakakuha sa karagatang sakop ng Bicol ang isang bloke ng cocaine sa Rapu-Rapu, Albay ng mag-amang mangigisda.